Aklat ng mga Awit Pambata,
p. 122
Anong Luwalhati ng Ating Mundo
Anong Luwalhati ng Ating Mundo
1. Ating mundo’y sadyang kay l’walhati at anong ganda.
Ang huni ng mga ibon, ang hatid sa ’ki’y saya.
Ligaya at pag-ibig
ang lagi kong inaawit.
Himig ng pasasalamat
sa Diyos na nasa langit.
2. Ating mundo’y sadyang kay l’walhati at anong ganda.
Mga magulang at guro ko’y mahal ako t’wina.
Ligaya at pag-ibig
ang lagi kong inaawit.
Himig ng pasasalamat
sa Diyos na nasa langit.
Titik: Anna Johnson, 1892–1979. © 1962 IRI
Himig: Alexander Schreiner, 1901–1987. © 1962 IRI
Titik: Anna Johnson, 1892–1979. © 1962 IRI
Himig: Alexander Schreiner, 1901–1987. © 1962 IRI