Book cover

Manatili sa ’King Tabi

Mga Himno, 96


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Manatili sa ’king tabi ’Pagkat gumagabi: Anino ng takipsilim Ang s’yang nalalabi. Sa puso ko at tahanan, Maging panauhin.

Panginoon, gumagabi: Nawa’y manatili; Panginoon, manatili: Masdan, gumagabi.

2. Manatili sa ’king tabi Aking Panginoon; Paglalakbay sa piling N’yo Sa puso ko’y tugon. Ligaya ng aking buhay Ang wika N’yo’t tinig.

Panginoon, gumagabi: Nawa’y manatili; Panginoon, manatili: Masdan, gumagabi.

3. Manatili sa ’king tabi, Gabi ay may lumbay; Kung ’di Kayo makaniig, Mapanglaw ang buhay, Nangangambang sa tahanan Karimla’y lalagi.

Panginoon, gumagabi: Nawa’y manatili; Panginoon, manatili: Masdan, gumagabi.