Book cover

Tulad ng Hamog na Nagmula sa Langit

Mga Himno, 88


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Tulad ng hamog na nagmula sa langit, Sa damo’y dumadapong dahan-dahan, At sa damo ito’y nagbibigay-buhay Upang masunod ang Inyong kalooban.

2. O Panginoon, ang Inyong ebanghelyo, Ipagkaloob mula kalangitan, Upang sa pagbasbas N’yo’y makatulong na Gawain ng pag-ibig ay magampanan.

3. O Panginoon, masdan kaming nagtipon, Ang mga pangako N’yo sana’y tupdin, At galing sa langit, ang mga biyaya Ay Inyo sanang hayaang mapasa’min.

4. Ang aming dalangin sana ay pakinggan, Ang Espiritu sa ’mi’y ibahagi, Nang ang buong madla sa Inyo’y magpugay At maligayang maghayag at magpuri.