Book cover

Magsipaglapit kay Jesucristo

Mga Himno, 68


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Magsipaglapit kay Jesucristo, Kayong hapo at nagdurusa. Papatnubayan ang ’yong pagtungo Sa pahingahang lunan, lunan.

2. Magsipaglapit kay Jesucristo; Kung ikaw man ay naliligaw, Kanyang pag-ibig ang S’yang aakay Sa liwanag ng araw, araw.

3. Magsipaglapit kay Jesucristo; Diringgin N’ya ang ’yong dalangin. Ang mga anghel ang s’yang tatanod, Nagmumula sa langit, langit.

4. Magsipaglapit kay Jesucristo, Sa bawat isla at lupain. Sangkatauhan ay tinatawag, “Magsipaglapit sa ’kin, sa’kin.”