Book cover

Dahil Tayo’y Mahal ng Diyos

Mga Himno, 110


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Dahil tayo’y mahal ng Diyos, Sa ’ti’y sinugo si Jesus. Upang sa ’ti’y ipakita, Landas patungo sa Ama.

2. Kahit S’ya’y Diyos, naging mortal; Nagdusa kahit S’ya’y banal. Yumao S’yang walang sala Upang tayo’y maligtas N’ya.

3. O sagradong pagmamahal, Pasasalamat ko’y sakdal. Ako’y kabilang sa alay, At sa puso N’ya’y may puwang.

4. Wika’t gawa’y Kanyang nais Na sa Kanya ay iparis. Ako’y tutulad sa Kanya At susundin ang aral N’ya.

5. Sagisag ang sakramento Ng katawan N’ya at dugo. Sa pagtanggap, pangako ko, Panginoo’y nasa puso.