Book cover

Ako’y Naniniwala kay Cristo

Mga Himno, 76


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Naniniwala ako kay Cristo, Aawitan S’yang buong puso. Ang tinig ko’y iaalay, Buong lakas magpupugay. Naniniwala ako kay Cristo, ’Sinilang S’ya dito sa mundo; Ang maysakit, napagaling, Ang ngalan N’ya ay purihin.

2. Naniniwala ako kay Cristo; Upang maghari’y pumarito Bilang anak ni Maria; Buong mundo’y ’niligtas N’ya. Naniniwala ako kay Cristo, Lahat ng sa Diyos ay natamo. Sa lahat ay Kanyang bilin, “Magsisunod kayo sa ’kin.”

3. Naniniwala ako kay Cristo; Kanyang gawad ang ebanghelyo. Buong pusong sasambahin, Liwanag ay alay N’ya rin. Naniniwala ako kay Cristo; Mga sala ko, S’yang umako. Manahang maligaya Sa walang hanggang langit N’ya.

4. Naniniwala ako kay Cristo, Katuparan ng pangarap ko. Kahit may luha at lumbay, Pangako N’ya ang tagumpay. Naniniwala ako kay Cristo; Mapaano man ang buhay ko. S’ya sana’y makapiling ko Sa pagbalik N’ya sa mundo.