Book cover

Jesus, Hamak nang Isilang

Mga Himno, 118


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Jesus, hamak nang isilang, Ngayo’y may kal’walhatian. S’ya noon ay namighati, S’ya ngayo’y maghahari, Sa daigdig, maghahari.

2. S’ya noo’y tupang kay-amo, S’ya ngayon ang Panginoon. S’ya noo’y sa krus pinaslang, S’ya ngayo’y nakalulan, Sa ulap, nakalulan.

3. S’ya noo’y nagdusang labis, S’ya ngayon ay mal’walhati. S’ya noon ay itinakwil, S’ya ngayo’y ating Hari; Sa lahat, S’ya ang Hari.

4. S’ya noo’y tinalikuran, S’ya ngayo’y dinadakila. No’n, lahat ay tiniis N’ya; ’Di na S’ya magdurusa, ’Di na S’ya magdurusa.