Book cover

Sa Inyo, Aking Diyos, Lumalapit

Mga Himno, 55


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Sa Inyo, aking Diyos, Lumalapit! Kahit na buhay ko’y May pasakit. Patuloy ang awit Habang papalapit; Sa Inyo, aking Diyos, Lumalapit.

2. Katulad ng Isang Manlalakbay, Kadiliman dito Ang karamay. Sa ’king panaginip, Sa Inyo’y lalapit; Sa Inyo, aking Diyos, Lumalapit!

3. Landas tungong langit, Sana’y kamtin Sa awa ang lahat, O Diyos namin. Sa tulong ng langit, Sa Inyo’y lalapit; Sa Inyo, aking Diyos, Lumalapit.

4. At sa paggising ko’y Magpupuri, Alay ang buhay ko, Kahit sawi. Sa ’kin mang pighati, Langit N’yo ang mithi; Sa Inyo, aking Diyos, Lumalapit.

5. Kung buhay sa mundo’y Magwawakas, At tungo sa Inyo’ng Aking landas, Patuloy na ako Sa Inyo’y aawit; Sa Inyo, aking Diyos, Lumalapit.