Book cover

Tayo’y Magalak

Mga Himno, 3


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Tayo’y magalak sa araw ng kaligtasan; Hindi na mananatiling dayuhan. May mabuting balita sa sandaigdigan At nalalapit na, oras ng pagtubos, Kapag ang pangako ay maibigay na At mga Banal ’di na mangangamba, At mundo’y magiging hardin tulad ng Eden, Si Cristo’y sasambit, “Halina’t magbalik.”

2. Tayo’y magmamahalan, wala nang alitan, Magkakaisa’t sala’y tatalikdan. At kapag makasalana’y nahintakutan, Ating hihintayin, pagdating ni Jesus, Kapag ang pangako ay maibigay na At mga Banal ’di na mangangamba, At mundo’y magiging hardin tulad ng Eden, Si Cristo’y sasambit, “Halina’t magbalik.”

3. Mananampalataya tayo kay Jehova Na ating patnubay sa pagdurusa. At paglipas ng ani’t parusa’y matapos, Tayo’y magbabangon, pagdating ni Jesus. At bawat pangako’y maibibigay na, Lahat ng Banal ay pararangalan At mundo’y magiging hardin tulad ng Eden, Si Cristo at tayo ay magkakaisa.