Book cover

Tagapagligtas na Tunay

Mga Himno, 57


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Tagapagligtas na tunay, Amin kang minamahal. Sa ’ming puso ay igawad Ang Espiritung Banal; Pananalig, patibayin; Ang tukso’y Inyong pawiin. Tagapagligtas na tunay, Manatili sa amin.

2. Tagapagligtas na tunay, Kami po ay mahina. Inyo sanang kaawaan Nang ang sala’y mawala. Wastuhin ang landas namin At doo’y panatilihin. Tagapagligtas na tunay, Laging mapasaamin.

3. Tagapagligtas na tunay, Ang hapdi’y pawiin po. H’wag hayaang manaig ang Kalungkuta’t siphayo. Aming luha ay pahirin, Pagkamuhi ay pawiin. Tagapagligtas na tunay, Kapayapaa’y hiling.