Book cover

Ngayon ay Kumilos

Mga Himno, 139


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Ngayon ay kumilos nang buong giting, Lahat ng iyong tungkulin ay tuparin. Ngayon ay umawit, h’wag nang mangamba. Buhay at mundo’y sadyang kayganda.

Ngayon, ngayon, ay kumilos ka; Ngayon, ngayon, ika’y gumawa. Ngayon, ngayon, ay magsikap na; Kumilos ngayon nang bukas ay handa.

2. Ngayon, pagsikapan ang yamang tunay. Ligaya at kapayapaan sa buhay. Ngayon, sundin ang hangarin ng puso. Tama’y piliin habang narito.

Ngayon, ngayon, ay kumilos ka; Ngayon, ngayon, ika’y gumawa. Ngayon, ngayon, ay magsikap na; Kumilos ngayon nang bukas ay handa.

3. Ngayon, hangarin mo ang kabutihan; Tampok sa ’yong buhay, ang katotohanan. Ngayon, ugaliin, ang katapatan, At h’wag magmaliw magpakailanman.

Ngayon, ngayon, ay kumilos ka; Ngayon, ngayon, ika’y gumawa. Ngayon, ngayon, ay magsikap na; Kumilos ngayon nang bukas ay handa.