Book cover

Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta

Mga Himno, 15


0:00 0:00
Introduction
All Verses

1. Salamat, O Diyos, sa aming propeta; Sa huling araw patnubay S’ya. Salamat sa gawad N’yong ebanghelyo, Na s’yang aming liwanag dito. Salamat sa bawat biyaya, Na saganang gawad N’yo t’wina. Kasiyahan naming maglingkod At sa utos N’yo ay sumunod.

2. T’wing kami rito ay nababagabag, At sadyang kaygulo ng lahat, Kami ay may pag-asang nakikita, Dahil paglaya’y malapit na. Sa Diyos ay walang alinlangan; Subok ang Kanyang kabutihan. At ang lumalaban sa Sion Ay malulupig din sa wakas.

3. Kabutihan N’ya’y ating aawitin; Gabi’t araw S’yang pupurihin. Tayo ay magdiwang sa ebanghelyo, At lumagi sa tanglaw nito. Sa walang hanggang kaganapan Ang tungo ng mga matapat. Silang tumanggi sa mensahe, Ang ligaya’y di matatanggap.